KULANG SA PONDO | Libu-libong nars, nanganganib mawalan ng trabaho

Manila, Philippines – Libu-libong nurse sa bansa ang nanganganib na mawalan ng trabaho nasa ilalim ng deployment program ng Department of Health.

Ayon kay Nars Party-List Representative Leah Paquis, aabot sa labing dalawang libong (12,000) contractual nurses ang posibleng hindi na ma-renew ang kontrata dahil umano sa kakulangan sa budget.

Bukod sa mga nurse, apektado rin aniya ang ilang doktor midwife at mga pharmacist.


Agad na nagpadala ng sulat ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na magkaroon ng regular na trabaho ang mga nurse kasabay rin ng hirit na tuluyan ng tuldukan ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Facebook Comments