Manila, Philippines – Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mahihirapan silang hawakan ang kampaniya kontra iligal na droga.
Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino – isa na rito ang kakulangan nila sa tauhan at pondo para sa naturang programa.
Malaki aniya ang tulong kung ibibigay sa kanila ang 900 million pesos budget ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang oplan double barrel ngayong ipinatigil naman na ang oplan tokhang.
Dagdag ng PDEA Chief, hindi niya hahayaang mahaluan sila ng mga operatibang nagre-recycle ng drogang nasasabat sa drug operations at lahat ng mga mamamahayag na gustong sumama sa mga operasyon ay kanilang papayagan para sa transparency.
Facebook Comments