KULANG | Stock ng bigas ng NFA, magtatagal na lamang ng hanggang tatlong araw

Manila, Philippines – Kinumpirma ng National Food Authority na hanggang tatlong araw na lang itatagal ang kanilang buffer stock ng NFA Rice.

Ito ay matapos silang hamunin ni Sen. Nancy Binay na aminin nang may kakulangan sa supply ng bigas.

Paliwanag ng NFA, bumaba ang kanilang imbak na bigas dahil sa pamamahagi ng nfa rice sa mga biktima ng kalamidad at krisis sa Marawi City.


Sa ngayon ay wala pang go signal ang NFA Council sa pag-aangkat ng 250,000 tonelada ng bigas.

Facebook Comments