KULONG | 2 wanted person, arestado sa magkakahiwalay na lugar sa Makati City

Makati City – Nadakip ng mga otoridad ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na lugar sa Makati City.

Unang nadakip ang wanted na si Ronnel Dominguez na residente ng Sunflower Street, Barangay Pembo.

Nabatid na 2015 nang magsimulang magtago si Dominguez na may warrant of arrest sa Mandaluyong City dahil sa kasong kriminal.


Samantala, arestado rin ang isang wanted na babae sa nabanggit na barangay dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal numbers game.

Nakilala ang suspek na si Mary Grace Dabucol Antonio, na talamak na nag-ooperate ng iligal na sugal sa lungsod ng Maynila pero nagtago ito matapos na matunugan na kinasuhan na pala siya sa korte.

Facebook Comments