KULONG | 3 pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, arestado sa Sampalok Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng Anti-Crime Unit Police Station 4 ng MPD ang tatlong personalidad matapos na magsagawa ng Anti-illegal Criminality Operation sa PNR Railroad track Laon-Laan Street malapit sa kanto ng Algeciras Street, Barangay 485 Zone 48 Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Josienel Vargas 24-anyos Sienel Vargas residente ng Laong-Laan Street Sampaloc, MaYnila, Ricky Ignacio 29-anyos, residente ng 1833 Sulu Street, Sta. Cruz, Manila at Benjie Buenviaje 20-anyos residente ng 1833 Sulu Street, Barangay 341 Zone 34, Sta. Cruz, Manila.

Naaresto ang mga suspek matapos na isuplong ng mga residente roon na gunagamit at nagbebenta ng shabu ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang 3 small heat-sealed transparent plastic na may lamang “shabu”.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa laban sa tatlong mga suspek.

Facebook Comments