KULONG | 6 arestado sa ilegal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Malate Police Station 9 ng MPD ang anim na katao matapos na mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa G.Tuazon Street Malate Maynila.

Nakilala ang mga suspek Jimboy Colinaresy Daganato 29-anyos, Gerlie Lapena 46-anyos, Joel Barrios, 48-anyos Sherlina Villanueva 47-anyos, Ariel Dazo 41-anyos at Jayson Nator 38-anyos residente ng 2258 Leveriza Street Malate Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nagpanggap na bibili ng shabu sa mga suspek ang isa sa mga operatiba ng MPD at nang iaabot na ang mark money na dalawang daang piso ay agad na inaresto ang mga suspek.


Nakuha sa mga suspek siyam na plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa sa mga suspek.

Facebook Comments