KULONG | Dalawang tanod, arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga

Meycauayan, Bulacan – Kalaboso ang dalawang tanod at isang barangay captain sa Meycauayan, Bulacan matapos mahulihan ng ilegal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Delfin San Pablo, kapitan ng Barangay Malhacan at mga tanod na sina Jimmy Garcia at Ferdinand Llaosa.

Nahuli sa akto ang mga ito na nag-aabutan ng ilegal na droga kung saan narekober ng mga pulis ang limang pakete ng shabu, pera at kalibre .45 na baril.


Mariin namang pinabulaanan ng mga naarestong suspek ang pagkakasangkot sa ilegal na droga at naghamon rin na isailalim sila sa drug testing.
Iginiit pa ni San Pablo, na pulitika ang dahilan kaya sila napagbintangan para siraan siya sa kanyang pagtakbo sa nalalapit na eleksyon.

Facebook Comments