KULONG | Dating Brazilian President Luiz Ignacio Lula Da Silva, tuloy na sa kalaboso

Brazil – Ipinag-utos na ng Brazilian Supreme Court ang agarang pagpapakulong kay dating Pangulong Luiz Ignacio Lula Da Silva dahil sa katiwalian.

Ito ay matapos ibasura ng Kataas Taasang Hukuman ng Brazil ang apela ni Lula Da Silva na makalaya muna habang naka-apela ang labing dalawang taong sentensiya nito.

Ang sitentay-dos anyos na si Lula Da Silva ay naging pangulo ng Brazil mula noong 2003 hanggang 2011. Siya ay napatunayang nagkasala sa kaso ng corruption at money laundering noong July 2017.


Si Lula Da Silva ay nangunguna sa mga survey na paborito sa darating na presidential elections sa Brazil sa darating na Oktubre.

Pero marami ang nagsasabi na ang nalalapit nitong pagkakakulong ay katapusan na ng kaniyang political career.

Facebook Comments