KULONG HABAMBUHAY | Anti-Skimming Bill, pasado na sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6710 na nagtatakda ng mas mahigpit na parusa sa mga ATM at credit card skimmers.

Sa botong 224 -Yes, 0-No, at 0-abstention ay naaprubahan ang panukala na nagdedeklara ring economic sabotage ang hacking ng bank systems at pagnanakaw ng detalye ng ATM at credit cards na aabot sa 50.

Dahil ito ay idedeklara na economic sabotage, non-bailable ang offense na ito at mahaharap ang lalabag dito sa habambuhay na pagkakabilanggo at multang 5milyong piso.


Layunin din ng panukala na higpitan ang seguridad sa OFW remittances at sa e-commerce.

Isinusulong ang panukala dahil tumaas sa 250% ang ATM fraud mula sa P175 Million noong 2012 ay tumaas ito sa P600 Million noong 2016.

Facebook Comments