Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang habang-buhay na pagkabilanggo na hatol ng Quezon City Regional Trial court laban kay road rage shooter Jason Ivler.
May kaugnayan ito sa pagkakapatay ni Ivler kay Renato Ebarle Jr. na anak ng dating Presidential Chief of Staff Renato Ebarle Sr. noong 2009.
Nakitaan ng Court of Appeals 14th Division ng elements of murder ang naging hatol kay Ivler ni Judge Luisito Cortez of the Quezon City Regional Trial Court Branch 84.
Bukod sa reclusion perpetua, pinagbabayad din ng korte si Ivler ng 9.4-million pesos civil damages.
Si Ivler ay pamangkin ni folk singer Freddie Aguilar.
Facebook Comments