KULONG | Isang dating OFW, kalaboso sa pagde-deliver ng iligal na droga

Taguig City – Arestado ang isang dating OFW sa ikinasang buy-bust operation ng sa Triumph Street, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Mobina Balulo, 26-anyos.

Natunton ang suspek sa pamamagitan ng isang inpormante kung saan nasakote nila si Balulo na magde-deliver sana ng iligal na droga habang sakay ng isang taxi.


Giit naman ng suspek, napag-utusan lamang siya ng isang alyas “Moads” at itinanggi niyang nagtutulak o gumagamit siya ng iligal na droga.

Narekober sa suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P130,000.00.

Facebook Comments