Quezon City – Arestado ang 35 anyos na lalaki matapos magnakaw ng mga kable ng kuryente sa Brgy. Old Balara Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Erwin Ramos na nagsisilbing helper sa construction site at electric shop.
Ayon kay Wilton Ganipan, amo ng suspek, nagtaka na lamang siya ng biglang mawala ang nasa 38 kahon ng kable ng kuryente.
Ito ay nagkakahalaga ng higit sa 100k pesos.
Kasunod nito pinatawag ng amo si Ramos para ipahanap ang nawawalang paninda.
Pero hindi nagtagal agad umamin si Ramos na siya ang nagnakaw ng mga nawawalang kable ng kuryente.
Hindi na naibalik ng suspek ang mga gamit kayat ipinakulong na siya ng amo at sinampahan ng kasong qualified theft.
Facebook Comments