KULONG | Isang preso, balik kulungan matapos na tumakas ng walang pera sa Camarines Sur

Camarines Sur – Balik kulungan ang isang tumakas na preso matapos sinubukang magpakalayo-layo pero walang pamasahe sa Camarines Sur.

Kinilala ang bilanggo na si Jerome Sarion, 25-anyos na may kasong robbery.

Sa ulat, nabuksan ng suspek ang dalawang malaking padlock sa custodial facility ng Bombon-PNP gamit ang isang aluminum wire.


Nakauwi pa raw sa kanilang bahay si Santos, ngunit nang mabatid na walang pera para makapagtago sa malayong lugar at nanatili ito sa kanilang tahanan.

Agad na naaresto ang suspek habang natutulog sa kanyang bahay kung saan posibleng napagod ito makaraang tumakas sa naturang piitan.

Facebook Comments