KULONG | Isang puganteng Chinese national, arestado sa NAIA

Manila, Philippines – Hawak na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese national na sinasabing banta sa seguridad ng Pilipinas.

Nadakip ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang suspek na si Shi Hongye, 36-anyos, na sangkot sa economic crimes sa China at wanted mismo sa kanilang bansa.

Nagsagawa ang FSU ng enforcement operation kasama ang Manila International Airport Authority-Airport Police Department at Philippine National Police-Police Aviation Security Group sa NAIA terminal 1.


Ito ay dahil sa planong nilang pag-aresto sana kay Miao You Chun na isa ring Chinese national na pugante sa kanilang bansa.

Pero sa halip na si Chun ang madakip, si Hongye ang kanilang nakorner.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas na suspek na si Chun.

Facebook Comments