Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa ang 56-anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation sa Aurora Boulevard Baragay Immaculate, Quezon City.
Maluha-luha ang suspek na si Elmira Conda nang arestuhin ito ng mga otoridad matapos maiabot ang isang sachet ng shabu kapalit ng buy-bust money.
Nakuha pa sa pag-iingat ng ginang ang dalawang pakete ng shabu kung saan inaalam na kung sino ang source nito.
Todo tanggi naman si Conda na nagbebenta siya ng iligal na droga saka sinabing embutido ang kaniyang inilalako at hindi daw niya alam na may halo itong iligal na droga.
Facebook Comments