KULONG | Isang truck driver at pedestrian, sugatan sa aksidente sa Quiapo, Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang isang driver at pedestrian matapos sumalpok ang 18-wheeler trailer truck sa poste ng ilaw sa Barangay 387, Quiapo, Maynila.

Kwento ng pedicab driver na si Alfredo Calupan Jr. tinatahak ng trailer truck ang Nepomuceno Street nang sumalpok sa poste ng ilaw sa kanto ng Arlegui.

Tinamaan din ng trailer truck ang isang pedestrian na nakatayo malapit sa poste ng ilaw.


Sa lakas ng impact, wasak na wasak ang harapan ng trailer truck at nagkalat ang mga bahagi nito sa kalsada.

Dinala na sa ospital ang truck driver na kinilalang si Antonio Asebron at ang pedestrian na wala pang pagkakakilanlan habang maswerte namang walang natamong sugat ang pahinante ng truck driver.

Facebook Comments