KULONG | Lalaki, huli matapos gahasain ang kainumang dalaga sa Malabon City

Malabon City – Arestado ang isang lalaki matapos na gahasain ang kainuman nitong dalaga sa Malabon City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Marvin Joseph Mallari, 23-anyos at residente ng Barangay Custodio.

Sa ulat, nag-inuman ang biktima at ang suspek kasama ang ilang kaibigan nang mahilo at nalasing ang dalaga.


Nakatulog ang dalaga sa bahay ng kaibigan kung saan sinundan siya ng suspek at dito na siya pinagsamantalahan.

Nang magising ang dalaga ay laking gulat nito nang makitang katabi ang suspek kaya at dali-daling lumabas ng bahay at nagpatulong sa kaibigan para agad siyang madakip.

Facebook Comments