KULONG! | Lalaking wanted sa Quezon Province, arestado sa Bacoor, Cavite

Tapos na ang maliligayang araw ng isang lalaking may pending warrant of arrest sa Quezon Province matapos itong masakote sa Bacoor, Cavite.

Nakilala ang suspek na si Arvin Azur na mayroong kasong frustrated murder sa Mauban, Quezon.

Sa ulat, nagtulong-tulong ang mga operatiba ng Las Piñas City Police at Mauban Municipal Police para hindi na makatakas pa ang suspek na si Azur.


Agad na na-iturnover si Azur sa Mauban Municipal Police para harapin ang kasong nakasampa laban sa kanya.

Facebook Comments