KULONG | Magkaibigan, magkasamang naaresto sa illegal drug operation sa isang resort sa Laguna

Laguna – Magkasamang hinuli ang magkaibigang lalaki matapos na maaktuhang gumagawa ng iligal na operasyon ng droga sa isang resort sa Lumban, Laguna.

Ayon sa Lumban Police, ikinasa nila ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong na nagkakaroon ng bagsakan ng iligal na droga sa nasabing resort.

Sinalakay ng mga operatiba si Sergio Samonte alyas Buboy na nag-abot ng droga at si Byron Almario na dumating para magbagsak umano ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.


Narekober din ang drug paraphernalia at apat na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang 3,000 Pesos.

Nahaharap sa kasong paglabag sa dangerous drugs act ang mag kaibigan.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng resort.

Facebook Comments