KULONG | Milyong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA

Manila, Philippines – Tinatayang nasa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 5 milyon pesos ang nasabat sa buy bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sampaguita Street, Maligaya Park Subdivision, Novaliches, Quezon city.

Sa sinasabing operasyon, naaresto ang tatlong drug pusher na sina Harijatul Arajil, Rowilyn Tillo at 17 anyos na binatilyo.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ng PDEA ang mga suspek kung saan natiyempuan din nila ito nang magbenta ng iligal na droga sa isa nilang agent.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang tatlong suspek habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa mga ito.

Facebook Comments