Manila, Philippines – Nakakulong na ngayon sa Maximum Security Cell sa Camp Aguinaldo at nakatakdang ilipat sa New Bilibid Prison si Dating Philippine Military Academy Comptroller Lt. Col. Hector Maraña.
Ito ay matapos na mapatunayan ng military court na guilty beyond reasonable doubt dahil sa kasong malversation of public funds ang opisyal.
Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, batay sa inilabas na desisyon ng military court dated July 12, 2018 pinatawan ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong, pagkasibak sa serbisyo, pagbawi sa lahat ng benepisyo at pagmumulta ng mahigit 15 milyong piso ang opisyal kapalit ng nawala nito ng halaga habang nagsisilbi bilang PMA comptroller taong 2006 hanggang 2012.
Taong 2013 nang magsimulang magaudit ang AFP pero june 5 2014 lamang nasimulan ang pagdinig ng kaso at sinimulan na ring isailalim sa restrictive custody si Maraña.
Sinabi ni Arevalo ang nangyari kay Lt Col Maraña ay patunay na gumagana o epektibo ang isinasagawang internal cleansing sa hanay ng Armed forces of the Philippines.