KULONG! | Number 1 most wanted person sa Pasig City, naaresto na

Pasig City – Naaresto na ng Eastern Police District (EPD) ang number 1 most wanted sa San Miguel Avenue, Barangay San Miguel, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Ronald Russel Santos, 30 anyos at nahaharap sa tatlong arrest warrant para sa three count of rape sa isang 15 anyos na babae noong 2016.

Ayon kay EPD Chief Senior Superintendent Orlando Yebra Jr, nagsagawa sila ng operasyon matapos silang makatanggap ng tip na bumalik sa kanilang bahay ang suspek dahil nanganak ang asawa nito noong isang linggo.


Tumanggi naman ang suspek na magsalita na nakakulong na sa Pasig City Police Station.

Facebook Comments