KULONG | Number 3 most wanted person, arestado sa Isabela

Isabela – Nadakip na ng pulisya ang isang number 3 wanted person sa Municipal level at number 10 wanted person sa provincial level na nahaharap sa kasong rape.

Nakilala ang suspek na si Ricky Bong Tarayao, 26-anyos, isang security guard at residente ng Isabela.

Nasakote ang suspek sa Barangay Ugad, Tumaini kung saan kusa naman itong sumama matapos na ipakita ang arrest warrant laban sa kaniya.


Dinala na ang suspek sa Tumauini Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments