KULONG | Pedicab driver, arestado sa pamomolestiya sa isang binatilyo sa Parañaque City

Parañaque City – Arestado ang isang pedicab driver matapos paulit-ulit na gahasain ang isang 14 anyos na lalaking kapitbahay sa Parañaque City.

Kinilala ang pedicab driver na si Archiemedes Monreal habang patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang isa pang suspek na si Niño Macasaet.

Ayon sa ina ng biktima, nalaman na lang niyang 10 buwan nang paulit-ulit na minomolestiya ng mga suspek ang kaniyang anak nang magreklamo na sumasakit ang katawan kapag naglalakad at may dugong lumalabas sa kaniyang puwitan.


Aniya, hindi kaagad nagsumbong ang bata dahil sa takot na gantihan ng mga suspek.

Depensa naman ni Monreal, napagbintangan lang siya.

Nakakulong na si Monreal na nahaharap sa kasong rape at paglabag sa republic act 7610 o anti-child abuse habang isasailalim naman sa counseling ang biktima.

Facebook Comments