KULONG | Police officer sa San Jose Occidental Mindoro at isa pa indibidwal, arestado sa buy bust operation

Occidental Mindoro – Arestado ang isang police officer at isa pang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pag-Asa San Jose, Occidental Mindoro kagabi.

Kinilala itong si Police Officer 3 Armando Daprosa Viana Jr., 40 anyos, residente ng Barangay Bubog, San Jose, Occidental Mindoro.

Si Viana ay ‘Absence Without Official Leave’ (AWOL) sa Philippine National Police (PNP), na dating miyembro ng San Jose Municipal Police Station.


Naging AWOL ito matapos matukoy na positibo sa paggamit ng iligal ng droga ng magsagawa ng drug test noong April 16, 2018.

Ayon kay PNP-MIMAROPA Spokesperson Police Superintendent Imelda Tolentino, alas 11:45 ng gabi kagabi nang ikasa ng mga pulis ang buy-bust operation sa Aurelio Village, Barangay Pag-Asa, San Jose, Occidental Mindoro.

Resulta nito ang pagkakaaresto ng AWOL na pulis at isang Desiree Sulayao Acong, 28-anyos.

Nakuha sa kanila ang limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at marked money na isang libong piso.

Sa ngayon, pansamantalang nakakulong sa San Jose Municipal Police Station ang dalawa.

Facebook Comments