Manila, Philippines – Arestado ang isang pulis sa Quezon City na nahaharap sa kasong dalawang paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children Act.
Nakilala ang inarestong pulis na si PO1 Domingo Cena na nakatalaga sa Information and Communications Technology sa Camp Karingal.
Nagtakda naman ang piskalya ng P26,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng naturang pulis.
Napag-alaman na noong Disyembre inireklamo na si Cena ng paglabag sa isang ordinansa sa lungsod dahil sa pambabastos diumano sa isang babae habang naka-duty ito at sakay ng isang police car.
Facebook Comments