KULONG! | Rider arestado matapos mahulihan ng marijuana sa Quezon City

Manila, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng isang motorcycle rider matapos na lumabag sa batas trapiko at mahulihan pa ng iligal na droga.

Kinilala ang suspek na si Jayson Valenzona, 21-anyos, residente ng Lupang Pangako, Payatas, Quezon City.

Ayon kay Police Superintendent Joel Villanueva ng QCPD station 10, nagsasagawa ng oplan sita ang kanyang tauhan ng parahin ang suspek dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.


Matapos inspeksyonin, nakita sa pag-iingat ni Jayson ang pakete ng hinihinalang shabu.

Inamin naman ng suspek na sa kaniyang ang shabu pero itinangging ibinebenta niya ito kung saan ayaw niyang sabihin kung saan niya ito nabili.

Facebook Comments