KULONG | Security guard na amoy alak, nasampolan sa surprise checkpoint ng LTO

Manila, Philippines – Tulala at hindi akalain ng isang security guard na ikukulong siya at pagmumultahin ng malaking halaga nang dahil sa pagmamaneho ng nakainom.
Nabatid na nagsagawa ng surprise checkpoint ang Land Transportation Office sa Timog Avenue sa Quezon City para hulihin ang mga pasaway na mga motorista.
Kabilang sa nasampolan ang security guard na si Elmer Dela Cruz matapos magmaneho ng nakainom kung saan ang iba sa mga nahuli ay nabigyan ng multa ay mga walang helmet at walang side mirror.
Tatlong buwan na pagkakakulong at multang P20,000.00 hanggang P80,000.00 ang parusa na posibleng kaharapin ng nasabing guwardiya.

Facebook Comments