KULONG | Tatlong lalaki, arestado sa pagdadala ng patalim sa Quezon City

Manila, Philippines – Dinampot ng mga pulis at mga tanod ang tatlong lasing na lalaki dahil sa pagdadala ng patalim sa barangay Batasan, Quezon city.

Nakilala ang mga suspek na sina Emillano Banton at mag-ama na sina Ruel Orbiso at Ruel Orbiso Jr.

Ayon sa complainant na si Nomer Castillo, kapitbahay ng mga suspek agad silang tumawag ng tanod matapos matakot dahil sa kaduda-dudang kilos ni Orbiso.


Inabutan ng mga otoridad na nag-iinuman ang tatlong suspek sa kanilang bahay na may mga nakasukbit na ice pick at balisong sa kanilang tagiliran.

Sa presinto paliwag ng mga suspek na tatlong gabi na silang iniikutan ng mga hindi kilalang lalaki na pawang mga Armado ng baril.

Kaya at sa tuwing may lalapit sa kanilang bahay naghahanda sila para ipagtanggol ang sarili.

Facebook Comments