KULONG | Top 10 Most Wanted Person sa Moriones, Tondo, arestado.

21

Manila, Philippines – Arestado ang top 10 Most Wanted Person sa Moriones, Tondo ngayong tanghali sa ikinasang operasyon ng Manila Police District sa Saint Mary St. Tondo, Manila.

Sa bisa ng search warrant na ibinaba ni Manila RTC branch 1 Hon Judge Tita Bughao Alisuag, naaresto ang suspect na si Roseann Pascual alias Mona.

Nasa kusyodiya na ngayon ng pulisya ang suspect, para sa inquest proceedings at hinahainan na rin ng kaukulang kaso.

Facebook Comments