KULONG! | Walong tao, arestado sa magkakasunod na operasyon ng QCPD Station 7

Manila, Philippines – Arestado ang walong tao sa magkakasunod na operasyon ng QCPD Station 7.

Unang kinasa ang buy-bust operasyon sa Barangay San Matin de Porres at nadakip dito ang tatlong babae at isang lalaki na nagpo-pot session.

Nakuha sa kanila ang P4,000.00 na halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.


Sunod na nasakote ang dalawang kabataan kabilang ang isang 15-anyos na lalaki sa Barangay Valencia.

Narekober sa dalawa ang ilang sachet ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P6,000.00.

Samantala, aabot sa P18,000 halaga ng shabu ang nasabat sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City kung saan arestado sina Renn Bryan at Kristopher Gonzales na siyang nagbebenta nito sa nasabing lugar.

Facebook Comments