Ipinagdiwang ng lalawigan ng Pangasinan ang ika-446th Founding Anniversary nito sa pamamagitan ng makabuluhang paggunita sa mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng mga mamamayan.
Ilan sa mga Pangasinense, ibinahagi ang kanilang proud moments bilang mga anak ng lalawigan.
Si Aldrin naman, 1st year vocational student, proud na ibinahagi ang sikat na pasyalan sa kanilang bayan sa Binmaley at maging ang mga pangunahin nilang mga produkto.
Binigyang-diin ng pagdiriwang na ang kasaysayan ng Pangasinan ay hindi lamang paalala ng nakaraan kundi nagsisilbing inspirasyon upang higit pang paunlarin ang sariling katangian ng lalawigan at isulong ang mga programang magdudulot ng kaunlaran sa hinaharap.
Patuloy pa sana nating ipagmalaki ang ating pinagmulan, pangalagaan ang likas na yaman at pamana ng kultura, at isabuhay ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa.
Sa sama-samang pagkilos ng mamamayan at pamahalaan, inaasahang makakamit ang mas maunlad at matatag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon ng mga Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
