Kultura ng bayanihan at hindi pagpapakulong, dapat isulong para mahikayat ang mga ayaw magpabakuna

Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, kultura ng bayanihan at hindi ang takot na maaresto kapag tumangging magpabakuna ang dapat na mangibabaw.

Ayon kay Lacson, sa ganitong paraan ay mas magiging ganap na matagumpay ang pagbabakuna sa mga Pilipino laban sa COVID-19 na magreresulta rin sa pagsigla ng ekonomiya.

Reaksyon ito ni Lacson sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring ipapaaresto niya ang mga matitigas ang ulo na ayaw magpabakuna.


Paliwanag ni Lacson, dapat na maisip ng publiko na higit na mahalaga ang bakunang kanilang matatanggap dahil siguradong magdudulot ito ng proteksiyon, hindi lamang sa kanila kundi sa mga taong makakasalamuha nila.

Muli ring umapela si Lacson sa publiko na pagtiwalaan ang mga COVID-19 vaccine gayundin ang pagsisikap ng pamahalaan tungo sa mas matinong programa sa pagbabakuna.

Facebook Comments