KULTURA NG MGA KATUTUBO SA LA UNION, BINIGYANG-PUGAY SA ANIBERSARYO NG LALAWIGAN

Binigyang-pugay sa La Union ang kultura ng mga Indigenous Peoples sa isinagawang Am-Among ti La Union noong Pebrero 28, 2026, kung saan tampok ang mga talento, tradisyon, at pagkakaisa ng mga katutubo bilang bahagi ng ika-176 na Founding Anniversary ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng gawain ay nabuhay ang makulay at makasaysayang kultura ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang cultural presentations mula sa iba’t ibang bayan.

Nagtagisan din ang mga kalahok sa katutubong palaro tulad ng Sanggol, IP Henyo, Tiktiklaw, Kadang-kadang, Burnotan, at Binnalsigan, na nagpamalas ng kanilang lakas at pagkakaisa.

Tampok din para sa ang mga manonood ang Binnadang ken Aklang Fashion Show kung saan ipinakita ang makukulay at tradisyonal na kasuotan ng mga IPs.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ang aktibidad ng pagsisikap na panatilihin at payabungin pa ang kultura ng mga katutubo na bahagi rin ng pagkakakilanlan ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments