Itinanggi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagpalabas ito ng bagong disenyo ng perang papel.
Kasunod ito ng kumakalat sa social media na mayroong P500 commemorative bank note o peso bill na may mukha ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Nagbabala naman ang BSP sa publiko hinggil sa pagtanggap ng pekeng peso bills kasabay ng paghimok na ipaalam agad sa Philippine National Police (PNP) o sa Currency Investigation Group kung may makikitang sangkot dito.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10951, ang mga namemeke ng pera ng Pilipinas ay mahaharap sa pagkakakulong na hindi bababa sa 12 taon at isang araw at multang hindi hihigit sa P2 milyon.
Facebook Comments