
Pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na papalitan ito ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolas Torre III.
Kasunod na rin ito ng mga lumabas sa social media na isang art card na ginaya ang isang media outfit na nagsasabing papalitan ni Torre ang BuCor chief.
Aniya ang naturang mga espekulasyon ay produkto ng mga “evil” forces.
Ipinunto ng director general na ang pagpapakalat ng fake news ay nakakaalarmang trend na nagpapahina sa institutional integrity at public trust.
Dahil dito, binigyang diin ni Catapang ang kahalagahan ng critical thinking at hinimok ang publiko na i-verify o alamin ang mga impormasyon bago ito paniwalaan.
Hinikayat din niya ang publiko na sa mga reliable news sources gaya ng RMN network lamang kumuha ng mga balita para maiwasan ang pagpapakalat ng fake news.
Samantala, sa ating pakikipag-ugnayan kay MMDA GM Torre, tinawag nitong kalokohan ang mga kumalat na pekeng balita.










