Kumakalat na draft resolution na nagpapa-dismiss sa impeachment case laban kay VP Sara, inamin ni Sen. Bato dela Rosa na galing sa kanyang opisina

Inamin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na galing sa kanyang opisina ang draft resolution na nagpapa-dismiss sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Kaugnay ito sa kumalat na draft resolution kung saan kapag sinilip ang detalye ng dokumento ay lalabas ang pangalan ng isa sa mga staff ni Dela Rosa.

Inamin din ni Dela Rosa na siya ang nag-initiate ng naturang resolusyon at ito ay base sa kanyang saloobin hinggil sa impeachment case na kinakaharap ni VP Sara.

Sinabi pa ng senador na mayroon siyang mga pinagtanungan at pinagkonsultahan kaugnay sa pagbuo ng nasabing draft resolution.

Katunayan, may tatlo pang ibang mga bersyon ng draft resolution na nagpapadismiss sa impeachment case ni VP Sara at yung sa kanya ang pinakaunang draft.

Dagdag pa ni Bato, hindi pa maihahain at mapapalagda sa mga senador ang naturang resolusyon dahil pinag-aaralan pa nila kung papaano nila mapagsasama ang lahat ng mga draft para maging katanggap-tanggap para sa lahat ang final version at makuha ang suporta ng karamihan ng mga senador.

Facebook Comments