Kumakalat na impormasyon na nagbibigay babala sa publiko dahil sa umano’y ipapatupad na Martial Law ng Pangulo, fake news ayon sa PNP

Hindi totoo ang mga kumakalat na impormasyon na nagbibigay ng paalala sa publiko na mag imbak ng pagkain dahil magpapatupad ang pangulo ng Martial Law ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID -19.

Sinabi ito ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac sa harap ng pagkalat ng impormasyong ito sa mga text messages at chat sa social media.

Ayon kay Banac, dapat na maging vigilant at alerto ang lahat sa mga ganitong impormasyon at iwasan ang pag-share ng mga unverified information.


Sinabi ni Banac, sa ngayon ay nakatutok na ang cybercops para tugisin ang mga indibidwal na nagpapakalat nito.

Banta ng PNP, aarestuhin nila ang sinumang cyber criminals para matigil na ang kanilang ginagawang illegal activities online na nagdudulot ng takot at panic sa publiko.

Facebook Comments