
Hindi umano galing sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang mga larawang kumakalat sa social media na malayang nakagagamit ng cellphone ang dating Bulacan assistant district engineer na si Brice Hernandez.
Una nang lumabas ang mga larawan na nakaupo si Brice na gumagamit ng cellphone habang ito ay nasa piitan.
Pero sa inilabas na statement ng BJMP-National Capital Region, hindi umano kuha ang larawan sa Pasay City Jail kung saan nakapiit ngayon si Hernandez na iniuugnay sa mga maanomalyang flood control projects.
Kung maalala, una nang ikinulong si Hernandez sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
Ang utos na ikulong si Hernandez sa Pasay City Jail ay dahil umano sa pagsisinungaling nito sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects ng Senate Blue Ribbon Committee.










