Kumakalat na patay na larawan ni Omar Maute, inaalam pa ng AFP kung totoo

Manila, Philippines – Hindi pa kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang kumakalat na patay na larawan ni Omar Maute sa social media.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, patuloy ang ginagawang validation at confirmation ng militar sa impormasyon.

Sa ulat, napatay umano si Omar Maute sa ginawang airstrike ng militar noong June sa Marawi City.


Sa ngayon, sinabi ni Padilla na hintayin na lamang muna ang ginagawang validation ng AFP bago maglabas ng anumang mga impormasyon lalo na sa social media.

Facebook Comments