Kumakalat na social media post hinggil sa pahayag ni DPWH Sec. Dizon, tinawag na fake news ng kalihim

Pinabubulaanan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang kumakalat na social media post ng Optic Politics.

Ito’y tungkol sa ghost flood control project ng Wawao Builders sa Bulacan kung saan una itong ininspeksyon ng kalihim saka nadismaya dahil sa mga nadiskubre.

Ayon kay Dizon, maituturing na fake news ang inilabas na post lalo na’t hindi kailanman siya nagsalita na ang naturang proyekto ay naging parte ng BICAM insertion.

Hindi rin niya inihayag na may kinalaman ang ilang mambabatas sa proyekto tulad ng nakasaad sa social media post.

Samantala, inamin ni Dizon na nakipagpulong siya sa mga dating kalihim ng DPWH upang hingin ang tulong para mapigilan ang korapsyon sa ahensya.

Giit kasi ni Dizon, mag-isa lang siya sa kasalukuyan at hindi pa nakakapasok sa DPWH ang mga pinagkakatiwalaan niyang kasamahan dahil sa pinoproseso pa ang kanilang mga aplikasyon.

Facebook Comments