
Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na fake news ang kumakalat na text message na nagsasabing makatatanggap ng Emergency Cash Transfer (ECT) ang mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila dala ng pinalakas na Habagat.
Ang ECT ay ibinibigay sa mga pamilya at indibidwal na may naitalang partially o totally damaged na bahay at matinding naapektuhan ng kalamidad batay sa assessment ng DSWD at ng lokal na pamahalaan.
Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD na hindi ito naglalabas sa online o sa pamamagitan ng mga link sa text message para sa makatatanggap ng tulong pinansyal.
Paalala ng ahensya,huwag basta-basta mag-click ng link mula sa mga messages nagpapanggap na galing sa DSWD.
Para sa tamang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng ahensya, bisitahin lamang ang official social media channels ng DSWD.









