KUMAKALAT NA UMANO’Y ‘NOTICE FOR INSPECTION’ MULA SA DECORP, PEKE AYON SA PAMUNUAN

Nilinaw ng pamunuan ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) na peke ang kumakalat na liham na may pamagat na “NOTICE FOR INSPECTION” na umano’y nagmula sa kanilang tanggapan.

Ayon sa DECORP, ang naturang liham ay hindi opisyal at hindi inilabas ng kompanya.

Napag-alaman din na naglalaman ito ng mga peke umanong lagda ng dating Chief Operating Officer at Legal Officer ng DECORP.

Mariing itinanggi ng pamunuan ang anumang obligasyong pinansyal o transaksyong binabanggit sa nasabing liham, at iginiit na wala itong kaugnayan o pahintulot mula sa kompanya.

Pinayuhan ang mga customer na huwag pansinin o sundin ang nilalaman ng liham sakaling makatanggap nito, at agad na ireport ang insidente sa DECORP gamit ang contact details na makikita sa likod ng kanilang Statement of Account.

Nanawagan din ang pamunuan sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga kahina-hinalang abiso upang maiwasan ang posibleng panlilinlang.

Facebook Comments