Kumakalat na video na ipinapakita ang pre-shaded ballots gamit ang UV ink, huwag paniwalaan – Comelec

Manila, Philippines – Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na hindi dapat paniwalaan ang kumakalat na video sa social media na nagpapakita ng official ballots na gagamitin sa May 13 midterm elections na may pre-shaded gamit ang Ultra Violet (UV) ink.

Giit ni Comelec Executive Director Jose Tolentino Jr. – nasubukan na ito sa testing.

Aniya, ang mga marka gamit ang UV ink ay hindi nababasa ng Vote Counting Machine (VCM) na tanging binabasa lamang ay mga black ink.


Ang mga balota ay may QR codes, serial number at precinct assignment.

Mali ang ballot prop ang ipinapakita sa video.

Una nang nagbabala ang Comelec sa publiko laban sa mga kumakalat na maling impormasyon na layuning ibaba ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa poll body, maging sa mga opisyal nito.

Facebook Comments