Iginiitni Senator Imee Marcos sa Philippine National Police o PNP naiberepika kung fake news o totoo ang mga kumakalat na video sa social media nanagpapakita ng mga biktima ng dinukot umano at kinuhaan ng internal organs.
Diin ni Marcos, fake o totoo man ang balita ay hindi ito dapat ipagwalang-bahala ng pamahalaan lalo pa’t lumilikha ito ngayon ng pangamba at takot sa maraming pamilyang Pilipino.
Ayon kay Marcos, kung totoo ang mga balita ng pagdukot ay kailanganang mabilisang aksyon ng PNP at pagsasagawa ng mga preventive measures gaya ng pagdadagdag ng police visibility samgalansangan.
Dagdag pa ni Marcos, mahalaga din angmatinding information drive ng PNP at mga local na pamahalaan na makatutulong sa mga pamilya kung paano mapananatiling ligtas ang kanilang mga anak.