Kumakalat na video sa social media na umano’y panibagong pamamaril ng isang pulis sa sibilyan sa QCP sa Camarines Sur, fake news ayon sa PNP

Hindi totoo ang kumakalat na video sa social media na may panibagong insidente ng pamamaril ng isang pulis sa isang sibilyan sa Quarantine Control Point (QCP) sa Maharlika Highway in Barangay Impig, Sipocot, Camarines Sur.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, nagberipika ang PNP Anti-Cyber Crime Group sa pamamagitan ng kanilang digital forensic examination kung lehitimo ang isang minutong video na naka-post sa Facebook page na Motmot Vlogs.

Natukoy na ito ay totoo pero ito ay video documentation ng simulation exercise (SIMEX) sa Defense Battle Drill na ginawa ng 91st Special Action Company sa Quarantine Control Point sa Maharlika Highway in Barangay Impig, Sipocot, Camarines Sur nitong April 23, 2020 ng hapon.

Sinabi ni Banac, makikita sa video na habang binabaril ng pulis ang isang sibilyan dalawang pulis ang kumukuha ng video sa buong insidente na patunay na ito ay drill lamang.

Kaya naman muling nagbabala ang PNP sa publiko naging maging maingat sa pag-share at pagko-komento sa mga hindi beripikadong impormasyon sa social media para hindi maharap sa kaso.

Facebook Comments