Kumakalat sa social media na pagtakbo ni Rep. Sandro Marcos sa pagkapangulo sa 2028, fake news

Itinanggi ng anak ng pangulo na si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang kumakalat na post sa social media na plano niyang tumakbo sa pagka-presidente sa 2028 elections.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Rep. Marcos ang screenshot ng naturang post na tinawag niyang fake news.

Bunsod nito ay pinayuhan ni Congressman Marcos ang lahat na mag-ingat sa mga kumakalat na mali at hindi totoong mga impormasyon.


Tinukoy ni Marcos na batay sa 1987 Constitution ay kasama sa kwalipikasyon sa mga pwedeng tumakbong presidente ng Pilipinas ang edad na 40-taong gulang pataas.

31-years old lamang si Rep. Marcos sa kasalukuyan at panahon ng Eleksyon sa 2028 ay magiging 34-anyos lamang siya.

Facebook Comments