Fake news ang mga reports na lumalabas sa Social Media na may mga bata na dinudukot sa Southern Metro Manila na kinukuha ang mga laman loob o di kaya ay tuluyan nang nawala.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac wala pa ni isang kaso ang validated na ng PNP.
Kumikilos na aniya ang NCRPO, para imbestigahan ang mga nasabing mga reports.
Sinabi ni Banac na sa siyam na sinasabing nawawala sa Pasay isang kaso lamang na may kuha ng CCTV ang isinasailalim sa validation.
Habang ang report na may mga nangunguha ng Laman Loob na may inilabas pang Larawan ng puting van ay patuloy ding iniimbestigahan.
Muling nakiusap ang PNP na mas mabuting iparating muna sa mga awtoridad kung may natatanggap na kahalintulad na impormasyon.
Mas mainam aniya na isailalim muna sa validation ang mga reports bago ipakalat sa Social Media para hindi magdulot ng takot sa publiko.