Manila, Philippines – Aminado ang Department of Justice (DOJ) na hindi pa rin tapos ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon hinggil sa posibilidad ng pananabotahe sa pagkalas ng bagon ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 nitong Nobyembre.
Matatandaang bumuo na ng team of investigators ang NBI para silipin ang nangyaring decoupling ng MRT coach sa pagitan ng Ayala at Buendia station.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre – wala pang tiyak na resulta sa imbestigasyon sa MRT.
Bukod na panagutin ang sangkot sa insidente, titiyakin din ng imbestigasyon na hindi na ito maulit para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Sa paunang imbestigasyon, nawawala ang Messma card o black box ng tren.
Facebook Comments