Kumalat na emergency alerts para sa presidential bid ni dating Senator Bongbong Marcos, iimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang nangyaring emergency alerts kaugnay ng presidential bid ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay matapos sabihin ng mga telecommunications company na hindi galing sa kanila ang nasabing text blast.

Batay kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios., inatasan na niya ang kanilang regulation branch na imbestigahan ang nangyaring pagpapadala ng alert na wala naming kaugnayan sa emergency.


Aniya, agad din silang nakipag-ugnayan sa mga telecommunications company ukol sa insidente.

Nabatid na ang nasabing emergency alert ay natanggap ng iba’t ibang cellphone user matapos na maghain ng kandidatura si BBM.

Facebook Comments